
“I just hope my death makes more cents than life.”
— Arthur Fleck (his most famous line)
Short Synopsis:
Magpakailanman lamang sa isang karamihan ng tao, ang nabigo na komedyante na si Arthur Fleck ay naghahanap ng koneksyon habang naglalakad siya sa mga kalye ng Gotham City. Si Arthur ay nagsusuot ng dalawang maskara – ang isa na pininturahan niya para sa kanyang araw na trabaho bilang isang clown, at ang guise na siya ay nag-proyekto sa isang walang saysay na pagtatangka upang makaramdam na siya ay bahagi ng mundo sa paligid niya. Napalayo, na-bullied at hindi pinansin ng lipunan, si Fleck ay nagsisimula ng isang mabagal na pagbagsak sa kabaliwan habang nagbabago siya sa kriminal na mastermind na kilala bilang Joker.

Full Review:
Sa kanyang pinakamatagumpay na karera, si Joaquin Phoenix ay gumaganap at naghahatid ng kanyang tungkulin bilang kapwa Arthur Fleck at Joker na napakalalim at masinsinan; ito ay tulad niya bilang isang artista ay ganap na nawala sa paglalarawan ng kanyang tungkulin, na may dalawang napaka natatanging mga personalidad na inilarawan niya si Arthur Fleck na napaka-dramatikong bilang siya ay bumagsak sa kabaliwan kasama ang kanyang iba-iba pa ng isang madilim at nalulungkot na kapaligiran o lipunan sa mga kaganapan dito, unting-unti siyang nagbabago at sa pagiging Joker. Nakakamangha ang kanyang kaganapan sa pelukulang ito at bagay na bagay si Joaquin sa kanyang ginaganap na karakter; sa pagpapanood mo sa kanyang pag-ganap dito, inaasahan na ikaw ay makaramdam ng isang mabibigat na puso, mangha, lulukin ka niya, mai-stress ka, at takutin ka.

Sa malikhaing pamumuno at direksyon ni Todd Philips, maraming nagdududa na hindi niya magawa ang pelikula at mahatid yung kwento ng maayos dahil madalas siyang gumagawa ng mga komedyang pelikula na sobrang kabaligtaran sa kung paano gawin ang isang pelikulang ganito, pero sa kalabasan at nangyari, nagtagumpay siya sa paggawa nito ng isang obra maestrang pelikula. Maganda ang kanyang direksyon, nakakamanghang talento ang kanyang ipinapakita. Sa bawat eksena, parang dinala ka sa matigas at totoong emosyon kung ano dapat ang pinapahiwatig sa kwento, ang cinematography ay nakakagulat; na ito’y makatotohanang at matatag, kaya’t maraming nagkamali sa pagdududa ng kanyang paggawa dito, sineryoso niya ang kanyang trabaho. Ating masasabi na maayos ang kanyang relasyon at koneksyon sa kanyang tauhan sa produksyon dito at lalo-lalo na sa pakikisama niya sa mga aktor at artista. Kaya’t maari nating masasabi na sa kabuuhan ng pelikula ay sa magagandang talento na ibinigay ng sino-sino ang kasangkot sa proyektong ito.

Sa nakakaaliw, nakakagambala ngunit isang malapit na perpektong pelikula, aking malalahad na maayos ang naging kabuuhan ng pelikula, nakakamangha ang naghahalong mga talento sa paggawa at pagkokompleto ng proyekto nila. Paalala, huwag kayong umasa na may action scenes ito, o may “superhero-esque” ang nilalaman ng pelikula, ang pelikulang ito ay natatanging isang “suspense-thriller and drama”. Kahit ang mga tauhan sa pelikula ay nasusulat at nabibilang sa DC Comics, walang masyadong impluwensya at koneksyon ang kanyang kwento sa kaganapan sa komiks, pero hinding hindi maalis ang mga mahahalagang detalye na kailangan mabilang sa pelikula dahil ito ay rumirespeto din sa “source material” dahil sa koneksyon na nabibilang na tauhan lalong-lalo na si Thomas Wayne at ang kanyang asawa si Martha at ang kanyang anak na si Bruce, sila ay isa sa pinaka “iconic” na tauhan sa DC Comics pero may mahalagang koneksyon sila sa kwento ni Arthur Fleck dito sa pelikula, kaya’t hindi ko na ito babanggatin dahil papasok na ito sa “spoiler-area”.

Ang pelikulang Joker ay karaniwang napalabas pa sa mga ibang sinehan at karaniwang natutungo sa pagkikita ng isang bilyong dolyar ($1 Billion)
ginagawa itong pinakamataas na kita/highest grossing R-Rated Film sa kasaysayan ng pelikula, kaya’t hindi natin maikakaila kung paano gumawa ng pandaigdigang epekto ang pelikulang ito. Ang Joker ay pinagbibidahan nina Joaquin Phoenix bilang Arthur Fleck/Joker, Zazzie Beets bilang Sophie Dumond, Frances Conroy bilang Penny Fleck, Brett Cullen bilang Thomas Wayne, Robert De Niro bilang Murray Franklin, atbp. Maari munang mapanood ang kanyang “final trailer” sa ibaba.
Courtesy of Warner Bros. Pictures